Skip to main content

Buwan ng Wika

     Ano ang wika?Ang Wika ay isang likas at makataong pamamaraan ng paghahatid ng mga kaisipan,damdamin at mithiin sa pamamagitan ng isang kusang-loob na kaparaanan na lumilikha ng tunog.Isang salita na may apat na Letra ngunit ito'y napakahalaga.Ang kahulugan at katangian nito ay napakalawak at napakalalim.Ang Wika rin ay isang sagisag ng pambansang pagkakakilanlan sa buong mundo.

     Tayong mga Pilipino ating pinagdiriwang ang Buwan ng Wika ngayong buwan ng Agosto na may Temang:Wikang Filipino,Wika ng Saliksik.Ito ay isang pagdiriwang na kung saan tayo'y nagtitipon-tipon at nagkakaisa para ipakita sa buong mundo na ang Wika ay mahalaga at atin pa rin minamahal.Pero ano nga ba ang kahalagahan ng Wika para sa atin?Ang wika ay sadyang napakahalaga dahil maging sa ibang bansa ay ginagamit nila ang kanilang sariling wika.Pero tayong mga Pilipino,marami man ang wikang ating ginagamit iisa lamang ang ating nakasanayang gamitin at ito ay ang Wikang Filipino.Ipakita natin sa buong mundo kung gaano kalawak ang ating sariling kaalaman sa pagpapahalaga ng ating sariling wika upang ang susunod na henerasyon ay maging responsable sa paggamit ng ating sariling wika .Atin ding mahalin ang ating wika dahil ang wika ang dahilan kung bakit tayo'y nagkakaintindihan.Ika nga ni Dr.Jose Rizal,"Ang hindi marunong magmahal Sa sariling wika ay mas masahol pa sa malansang Isda".Kaya dapat marunong tayong magmahal at gumamit sa sarili nating wika.Ito ang daan sa ating kaunlaran at kapayapaan.

      Tayong mga mamamayang Pilipino,atin ng ipagmalaki ang ating sariling wika dahil nakilala tayong mga Pilipino dahil sa ating wika.Kung ano ang wika mo ay siyang pagkatao mo,kaya kung mahal mo ang pagkatao mo,mahalin mo rin ang wika mo.Ang ating wika ay sumisimbolo ng ating pagka Pilipino.Kaya ikaw,ako,tayo,sabay-sabay nating mahalin at itayo ang ating bandera.Ang bandera nating mga Pilipino.

Comments

Post a Comment

Popular posts from this blog

State Of The Nation Address 2018

       The President of the Philippines, President Rodrigo Duterte, has just delivered his 3rd State Of the Nation Address on July 23, 2018.  The SONA, which is often broadcast, serves as a means to inform the nation about its present economic, political, and social condition. It is also a vehicle for the President to summarize the accomplishments and plans of his/her programmed of government both for a particular year and until the end of their term of office.                     The President’s State of the Nation Address was shown to be just parts of his past achievements, stating the present situation and announcing future prospects. In his 3rd   SONA, he broke the tradition of highlighting the administration's previous year accomplishments. President Duterte focused on desire for genuine and meaningful change for the people. He presented the administration's present activities and the future pl...

Teknolohiya: Gamitin itong Wasto, Para sa Ikabubuti ng Lahat

        Ang paggamit ng teknolohiya ay kailangan limitado itong gamitin. Sapagkat meron namamg good at bad effects ito. Ang good effect, mapapanatili mo ang komunikasyon ng pamilya sa pamamagitan ng paggamit nito.         Ang masamang epekto, maraming kabataan ang hindi na makapag concentrate sa pag-aaral. Ang pagkakaroon ng teknolohiya ay upang maging madali ang pakikipag ugnayan ng bawat tao, kahit saang lupalop pa ng mundo. Napapadali ito ang paggalaw ng bawat tao, mapapersonal man o sa negosyo. Ngunit ang masamang epekto nito ay ginagamitan na din ngayon para manira sa ibang tao, at nakakagawa na ng hindi kaaya-ayang makita at mapanood dahil sa paggamit ng teknolohiya.          Kaya wag sana nating hayaan na lamunin tayong mga tao ng mga bagay na kapwa tao rin ang mismong gumagawa.