Ang paggamit ng teknolohiya ay kailangan limitado itong gamitin. Sapagkat meron namamg good at bad effects ito. Ang good effect, mapapanatili mo ang komunikasyon ng pamilya sa pamamagitan ng paggamit nito. Ang masamang epekto, maraming kabataan ang hindi na makapag concentrate sa pag-aaral. Ang pagkakaroon ng teknolohiya ay upang maging madali ang pakikipag ugnayan ng bawat tao, kahit saang lupalop pa ng mundo. Napapadali ito ang paggalaw ng bawat tao, mapapersonal man o sa negosyo. Ngunit ang masamang epekto nito ay ginagamitan na din ngayon para manira sa ibang tao, at nakakagawa na ng hindi kaaya-ayang makita at mapanood dahil sa paggamit ng teknolohiya. Kaya wag sana nating hayaan na lamunin tayong mga tao ng mga bagay na kapwa tao rin ang mismong gumagawa.